/* */ bagyo: 05/2005 - 06/2005

bagyo

Sunday, May 29, 2005

Leaving on a jet plane (Part 1) at isang itlog

2 weeks pa(o 2 weeks na lang..depende kung pano nyo tingnan) ay aalis na ako. Dati parang panaginip lang. Di ako kinakabahan pero ngayong medyo nag-aayos na ako ng gamit ay naiisip ko..totoo nga. Malapit na ako umalis. Siguro kung dumating na yung visa namin lalong kakabog ang dibdib ko sa kaba. Maraming mangyayari sa unang pagkakataon ko pa lang mararanasan pero pinakaexcited ako sumakay ng eroplano. Medyo mababaw lang pero pagbigyan nyo na ako. 1st time kong makasakay sa malaking eroplano (sana makita ko bahay namin pag nasa himpapawid na kami). Yung unang beses kong sumakay ng eroplano ay from Bicol to Manila. Puro clouds lang nakita ko. Di pa nga nangangalay pwet ko sa upuan at di ko pa tapos basahin ang pahayagan maglalanding na daw kami. Tinipid-tipid ko pa naman yung libreng juice at dried fruits para tumagal ng buong flight para di ako magutom kaagad yun pala di ko pa nauutot o madighay(kung sabay mangyari yun OK, para di nila marinig yung utot...ay wag pala. Baka sabihin nila amoy utot hininga ko nyahahaha) man lang yung kinain ko landing na pala kami. Sana masaya yung flight! Sana madaming free stuffs at sana maganda yung flight attendant!!! Yun lang po, masaya na ako hehehe. Buti na lang may mga kasama ako, dati kasi ako lang mag-isa e. Kabado pa ako dating mawala sa airport. Well, update ko na lang kayo sa susunod sa mga mangyayari.

Sya nga pala...alam nyo ba kung saan napanood itong itlog na ito?
clue: "Paris"

Image hosted by TinyPic.com


Yung kulay ng loob ay pareho ng kulay sa labas. Di ako masyado nasarapan. Siguro dahil di ko binuksan sa pamamagitan ng ulo ko at wala ako sa sauna. Hmmmm, I wonder........

Friday, May 27, 2005

ikaw

Mga bagay na mamimiss ko:

Wala...wala akong mamimiss.
Wala...dahil hindi "bagay" ang importante sa akin kundi ikaw
ikaw na laman ng puso't isipan ko sa bawat araw na ginawa Niya
ako'y pansamantalang mawawalay sa piling mo

-anonymous-

Wednesday, May 25, 2005

Alalahanin natin si KOKAK

Mahigit 1 taon na ang nakaraan ng namomoblema ako, kasama ang iba pang miyembro ng KOKAK boys sa kinabukasan namin. Problema kung gagraduate ba kami on time. Wala na kasi kaming perang pangbayad para sa next term e, naubos kay KOKAK. Ginulangan kasi kami ni Mike ng mach shop. 11k para sa "auto-ejector spring"!!! Gumawa pa nga kami ng model gamit ang cardboard ng tissue paper e para lang maintindihan nya yung dapat gawin. Buti na lang nandun si Jessie. Niligtas nya kami!! Miss ko na yung araw-araw naming pagpunta sa Carriedo at bumili ng electronic parts sa Alexan. Ano nga pala ulit ang amoy ng natutunaw na led? Ano nga pala ulit ang amoy ng nasusunog na resistor, o pumuputok na transistor at capacitor? Ang alam ko lang nakaka-adik yun hehehehe. Tanda ko pa dati araw-araw 10 kami umuuwi para lang matapos ang gawa. Para makapagtapos at makapagtrabaho. Yun pala nung nagtrabaho na ako, minsan mas malala pa. Kumusta na kaya si KOKAK? Kumpleto pa kaya ang IR sensors nya? Ang mamahaling HC11 di pa kaya nadedekwat? Mga H-bridge at stepper motor driver na power transistors pa ang gamit(P50 isa nun..16pcs). Ang Tormax, ang stepper motor? Gumagana pa ba? Sa 6 na buwan naming ginagawa si KOKAK, siguro 1 month lang talaga ako natuwa sa mga resulta. Nawawalan na kami ng pag-asa sa bawat araw na lumilipas. Mali ba design ko? Mali ba ang calculation ko ng force ng compressed spring? Kulang ata compute ko ng energy loss e. Nung last 1 month na lang, nagkakaroon na kami ng pag-asa. Tumatalon na si KOKAK. Kaya lang sa sobra lakas ng spring namin, sa bawat talon ay nasisira ang bakal na ginamit namin. Final defense namin. Madaming bumigay. Di nakaya ng mga pcb trace namin ang mga talon, di na kinaya ng spring lock ang stress na dulot ng spring. Di namin napansin, unti-unti na palang kinakain ng inner tube ang ngipin ng lock namin. Bakit ganun? Lahat nangyayari sa final defense. Parang gumuho ang lahat...wala na pag-asa. Sayang lang lahat ng pag-yayabang na naplano na namin. Sayang lang yung planong blow-out. Kausap namin si Sir Jess nun..lahat kami malungkot. Buti na lang nabigyan pa kami ng 1 week to fix everything. 2 consecutive jumps lang OK na. Pero sa loob-loob ko, parang imposible. Tinitingnan ko pa lang yung damage, wala na talaga e. Pero sa mga oras na yun, nangyari ang di ko inaasahan. Minsan lang mangyari sa 4 na taon ko CCS. Naging seryoso mga kasama ko. Gusto din nilang matapos na ang lahat. Ayaw na nilang makita sina pants, clem, boyB, Y1, Y2, Y3, moon man, boy suka, atbp. Ako din...ayaw ko nang maubusan ng damit kasi namamantsahan ng ferric. At sa loob ng 1 week, nangyari ang isang himala...Sa araw ng ultra final defense namin, sa 4th floor ng Gokongwie bldg nagtipon-tipon ang mga kabatch namin, mga professors, mga C2T3, mga CE, IT, ST. Lahat sila nakabantay sa corridor. Kala namin moral support, pero napag isip-isip ko nakaharang pala kami kaya di sila pwedeng dumaan hehehe. Ayun nagkumpulan sa amin. 1st jump ayos. Sa kalagitnaan ng compression at reverse phase ng robot, may nararamdaman ako na kaba. May naririnig ako na parati kong naririnig tuwing pumapalpak ang motor. Sa pagkakatancha ko, 1 ikot na lang bago ma release ang lock, pero humihina ang hatak ng motor, tumataas ang kain ng kuryente, kumakayod na ang bakal sa bakal. Mga bagay na di dapat mangyari. Tapos biglang tumalon. Ang huling talon ni KOKAK. Ang pinakaimportanteng talon. At sa loob loob ko, naisip ko na tapos na ang lahat. 4 na taon sa college ay matatapos na. Ang natatandaan ko lang sa paligid ko nung mga panahon na yun ay blur na lang. Itinaas ko ang kamao ko sa tuwa. Parang nawala ang bigat ng mundo sa mga balikat ko. Sa balikat namin lahat. Matutuloy na namin yung planong pakain. Ang mga underdogs ng CS-CE C2t4 ay nagtapos na. Maski di ganun ka komplikado thesis namin, on-time kami. Masarap alalahanin ang nakaraan. Ang mga pagsubok na akala mo di mo malalampasan pero matatapos mo din pala. Pagtatawanann mo lang lahat ng paghihirap na dinaanan mo. At yan ang isa sa mga magagandang bagay na natutunan ko sa buhay. Maski sa akala mo wala nang pag-asa, wag ka susuko. Kasi sa isang paraan lang masisigurado ang pagpalpak mo. Yon ay kapag sumuko ka. Kaya never give up never surrender. Fight until you die.

Image hosted by TinyPic.com
Left to Right: Cha2, Goks aka RB, Lawrence /w KOKAK

Sunday, May 22, 2005

Panaginip at paalala

Wow...company summer outing the best!!!! White Rock sa Subic ang lugar. Sobrang saya at ang sarap kalimutan maski sandali mga problema sa opisina. Mas pinasaya pa dahil sa magagaling ang mga kagrupo ko sa Yellow 'early bird' team. Just for fun kasi ang motto namin e. Hehehehehe. Galing namin lahat sa games, kakatuwa. Pagod na pagod nga kami pagating ng gabi e....kala ko di ako mag-eenjoy sa dinner party. Maling-mali ang akala ko. Sa pagkain pa lang solb-solb na e. Gabundok ang pagkain sa plato ko....2 times pa ako bumalik. 2 times lang kasi nag-aalok na si bossing uminom...mahirap tumanggi :)) At dun na nag-umpisa ang aking "panaginip". Madami akong nakita na di ko akalaing makikita ko. May mga nagawa ako na di ko akalaing gagawin ko. May mga nasabi ako na.....nakakatawang isipin. Yun lang. hehehe. Masama pa dyan, sa loob ng 30 minuto ay nawala lahat ng nakain ko...Bwiset, sayang yung lechon at baka. Minsan na nga lang yun e :(( Buti na lang beach yun....madaming lugar na "malalagyan". Salamat nga pala sa mga bumantay sakin habang "nananaginip" ako. Salamat Mike at Sarah..ewan ko lang kung masyado akong lasing pero 3 boses ang naririnig ko. Kung wala kayo dun at bigla kong naisipan na mag-swimming pabalik ng Manila, walang pipigil sa akin. Sa tingin ko nga mas malala pa ang pinaggagawa ko ngayong outing kumpara nung x'mas party namin. Sa mga kwento pa lang sakin kung anu-ano ginawa ko, feeling ko di nanaman ako tatantanan sa opis e. Patay nanaman ako nito. Eto ang masama, gabi/madaling araw pa lang yun. Nung umaga, ang aga kong nagising....naglakad-lakad kami sa beach. Picture-picture, sight seeing(sayang Mike wala ka, madami akong nakitang positive). Pagkatapos naming maglakad lakad, nag-rent ang admin ng jetski at banana boat!!!! Sayang lang at pinaasa lang ako sa jetski. Nung sina love at jessamine ang walang problema, nung ako na ayaw mag start...bwiset. Tapos yung mamang nagtuturo sa akin nilaglag pa ako. Buti na lang may banana boat pa. sobrang enjoy talaga. 2 times kami nahulog. Buti na lang walang pating. Eto nga pala isang paalala sa mga 1st timers ng banana boat, wag kakalimutan itali ang tali ng shorts nyo. Siguraduhing mahigpit ang pagkakatali.

Eto ang verdict(parang thesis a...uy 1 year na pala!!!) ko sa outing.......the Best...sana maulit ulit. Sana mas maraming makasama next year

Image hosted by TinyPic.com
Image hosted by TinyPic.com
Image hosted by TinyPic.com
Image hosted by TinyPic.com
Image hosted by TinyPic.com
Image hosted by TinyPic.com

Friday, May 20, 2005

Tokyo2 adventure

After 3 weeks, nanakain na din sa wakas sa Tokyo Tokyo. Kaya napakasaya ng araw na ito e...natupad ang aking kahilingang makakain dun. 2 1/2 rice ang nakain ko, pero parang 3 3/4. Pano ba naman yung mamang nagbibigay ng kanin, may laman na nga yung pangsalok nya nagdagdag pa ulit sya ng kanin....edi parang bola ng kanin na yung nilagay sa plato ko. Tpos nagdagdag pa siya ng "1/2" rice na parang 3/4 na. Hanep talaga. Yan ang dapat nagiging employee of the month...maski employee of the year! Di na mabibitin ang customer sa kahihintay sa kanya sakaling magkulang. Saktong sakto lang yung bigay nya sa ulam. Walang sobra, walang kulang. Dapat nga lang ay maaga kang pupunta dun para hindi ka maubusan ng pwesto. Friday pa naman ngayon :D. Putik...nasira ang diet ko para sa outing bukas tsk tsk tsk. Pero OK lang...mas importante naman ang tiyan kesa sa outing e. Diba?

Paalam

Bakit kaya kapag wala na siya, saka mo siya namimiss? Kung kailan di mo sya makikita, saka mo sya hinahanap-hanap. Kung kailan akala mong di mo sya kailangan, saka mo lang malalaman kung gaano ka kahina kayat hinahanap mo siya para tulungan ka. Pilit mong kinakalimutan ang nakaraan at nagsusumikap magbagong buhay pero hindi pwede. Hindi natin pwedeng kalimutan na lang ang lumipas o mga taong nakasama natin kasi kung sino tayo ngayon ay bunga ng nakaraan. Bunga ng lahat ng mga karanasan natin, bunga ng lahat ng taong nakilala at nakasama natin. Ano man ang pilit sabihin sa sarili na "di ko gagawin ang mga ginagawa niya" o "di ko yun gagawin" ay nakikita pa din natin sa sarili natin na ginagawa ang mga bagay na sinasabi nating ayaw natin gawin. Siguro yun ang dahilan kung bakit hindi ako naging malapit sa kanya, dahil pareho kami ng ugali. Kung ano nakikita at kinaiinisan ko dati sa kanya....sa kasamaang palad ay ginagawa ko din pala ngayon. Siguro kaya ko sya namimiss, kasi ayaw ko ng ibang mga ugali o bagay na ginagawa ko ngayon na ugali o gawain nya din dati. Dahil parang kulang ang buhay kapag isa lang ang suplado sa bahay :)). Isa lng ang matipid o isa lang ang akala mong parating galit. Kaya naisip ko, eto opinyon ko lang naman to, kaya natin hinahanap-hanap ang isang tao ay hindi dahil sa masaya tayo palagi kapag kasama natin sya.....Na parang walang problema, lungkot o galit na dumadating kapag nandyan siya. Namimiss natin sila dahil wala na sila...lahat ng saya, lungkot o inis na dulot niya..kung baga the whole package. Get one take all. No return no exchange. Open 24 hours. Barya lang po sa umaga. Basta driver, sweet lover. Ganun. Ang masama dyan ay ngayon ko lang nalaman kung gaano talaga sya ka importante...Sabi ko nga sa umpisa, bakit kaya kapag wala na siya, saka mo siya namimiss? Kasi naman e...natutunan ko din sa kanya na itago sa iba ang lungkot at ang tunay mong nararamdaman. Siguro dahil maraming umaasa sa kanya kaya ganun sya at bawal magpakita ng kahinaan...ewan ko ba. Aba...sa unang pagkakataon medyo madami akong nasabi....madami akong inamin. Pero sa tingin ko ngayon lang ito....nauntog lang ata ako kaya naisipan ko tong gawin. Ang totoo nga, di talaga tunay mga pinagsasabi ko e. Hindi ako madrama, hindi ako mahina. Kaya ko lahat ng problema ko ng walang tulong. Kaya kong mag-isa lahat ng ito(pero kung may gustong magpautang dyan...mag-usap na lang tyo mamaya, hehehe). Ito ay dahil ngayon ay may mga umaasa na sa akin. Kailangan maging malakas at matapang!!!

p.s.
medyo magulo diba? sabi ko sa inyo di ako writer e. Eto pa, wag nyo ako kukulitin tungkol dito.

Thursday, May 19, 2005

What a day...parang ang dami kong ginawa a, parang lang. Mga papeles na inasikaso, mga problema na di ko pa dapat pinoproblema pa sa ngayon, bagay-bagay na iniisip at mga minamadaling fixes. Buti na lang may konteng meryenda ako....kakaiba sa nakasanayan na kaya sobrang nasarapan ako, hehehehe, tnx mam glendale. Hmmmm, sa dami ng ginawa ko at iniisip wala akong masyadong masulat a. Baka mamaya meron na :D

Tuesday, May 17, 2005

Wait for me I-bankers

Nyaaayyyyy....Bukas on-site nanaman ako. Makikita ko nanaman ang mga I-Bankers. Maghahanap nanaman sila ng pwesto kung saan ako pede mag-program, mag-proprogram nanaman ako gamit ang notepad o VI, query gamit ang SQL plus. Pero ngayon medyo sanay na ako. Nagagamit ko ang konte kong nalalaman sa Unix, nasasanay ako tumingin sa SQL PLUS, natututunan ko ang Oracle V3. Di naman sa nag-rereklamo ako, sa totoo nga natutuwa ako at honored dahil ako ang pinadala e. Sanay na naman ako sa pag-program dun. Ang ayaw ko lang ay nag-iisa ako. Sana may YM sila. Mr Lonely ako dun, seryoso palagi. Pero bukas ay iba. May kasama na ako. Bwehehehe. Kahit sino man sya OK lang. Mag-uuwi nanaman ako ng regular pasalubong ko from being on-site na Munchkins. Yun nga palaging iniintay ng mga tao dito kapag napapadala ako e, ubos nga palagi yung Bavarian e....sarap. At dapat di ko makakalimutan i-log sa Artemis yung travel time ko para may taxi allowance ako. 2 araw lang ata yung na log ko dati e madaming beses na ako pumunta dun.

Speaking of being on-site, aalis na si Wilson mamaya. Mamimiss ka namin. Magsaya ka dun ha. Wag mo kalimutan yung buhanging pasalubong mo. Hehehehe.

Sari-saring kwento

Wow....18 visitors... hanep. Dami palang mga taong walang ginagawa at may oras magbasa ng blog ko. Kanina nga pala binigay na ang teams para sa summer outing ng SA. Team 2 ako, the best team there is. Pati leader namin magaling, si Princess Sarah!!! Kaya lang kakampi din namin si Lavignia(Princess din sya...shhhhh). Sabi nga ni bossing, may advantage na kami laban sa ibang grupo...pinoy kami lahat...di na kami mahihirapan makipag-usap at mag-explain sa mga fo-ranger. "Heyy Dyow! Yu will pass di boll to us end ran arawnd di post, den........" (hmmm, nahirapan ako dun a)

Nung isang linggo nga pala, may nagtanong sakin, "bakit di natin makuha lahat ng gusto natin sa buhay?" Bakit nga ba? Ewan ko...teka time out............................................................................. Tapos na mag update ang ROSE ko....excited na ako maglaro. Ok, balik tayo sa usapan...ibahin na nga natin...wala akong maisip na maganda para sa tanong na yan e. Eto na lang, kanina may kausap ako, e nakwento ko sa kanya kung anong suot na damit ng babae ako naseseksihan, bukod sa walang damit(di ko sinabi sa kanya yun...ngayon ko lang sasabihin to..tayo tayo lang naman nakakaalam e) nagagandahan ako sa mga babaeng nakapalda....tpos nag sway sway pa. Diba ang sexy, hehehehe.

Monday, May 16, 2005

Rose at outing

Ang dami kong bagong natutunan this last few months a. Nag-umpisa ako ng blog... at nahilig din ako sa online game(c/o ate shey and wilson). Syempre dun ako sa libre. 1-2 weeks ko din pina level 30 yung character ko. Inuumaga nga ako ng tulog kasi kailangan mag level-up ako. Pero eto ang masama. Rereset daw nila lahat ng characters. Ibig sabihin level 1 ulit lahat kami....bwiset. Dami ko pa naman nabiling bagong weapon at armor na malalakas. Mamaya nila rereset, ibig sabihin mamayang gabi/umaga makakapaglaro ulit ako, Bwahahahahahaha.

Ngayong sabado na outing namin sa Subic :D. Excited na ako at makakapag beach na ako for the first time this year. Lahat ng tao dito sa baba super excited, lalo na tong katabi ko sa "kaliwa". Mukang last week pa naka-empake ang gamit, heheheh. Magiging masaya to, sure ako. Teka...Lunes pa lang a, 5 tulog pa. So the countdown begins............

Sunday, May 15, 2005

mic test

mic test 1, 2, 1, 2. mic test 1, 2

Unang post ko, hehehe. Sa sobrang yatang init kaya ko naisipan gumawa e, medyo wala ako sa sarili ko. Di kasi ako mahilig sa mga ganito. Gusto ko lang magbasa dahil minsan napapangiti ako sa mga nababasa ko e.

Bakit ba kasi ganito kainit? Sana mag snow naman, o umulan ng malakas. Buti na lang may pasok bukas. Aircon!!! Kaya lng kailangan pa ng industrial type na electric fan para lang lumamig e. Grabehhhhh!!!! Hmmmm, ano kaya mangyayari bukas? May re-open nanaman ba, bagong trabaho o info del? Pero kahit ano man ibigay nila sakin ready na ako. Ready ko silang tulugan! Bwahahahaha. At bukas marami nanaman ako makakausap. Dito sa bahay, kung hindi tulog ay mainit ang ulo dahil sa init ng panahon. Maski gusto ko mag mall, nakakatamad dahil lalabas pa lang ako ng banyo, pinapawisan na ako. Siguro dapat gamitin ko na aircon namin? Kaya lang mahal kuryente, baka mawalan ako pambayad ng internet.

Welcome back nga pala Mike. Wag mo kalimutan dalhin sa isang araw yung pasalubong mong snow. Nung isang buwan ko pa iniintay yan.

papindot nga pala nitong link na to: http://www.herowar.com/blitz/recruit.phtml?id=627