/* */ bagyo: Alalahanin natin si KOKAK

bagyo

Wednesday, May 25, 2005

Alalahanin natin si KOKAK

Mahigit 1 taon na ang nakaraan ng namomoblema ako, kasama ang iba pang miyembro ng KOKAK boys sa kinabukasan namin. Problema kung gagraduate ba kami on time. Wala na kasi kaming perang pangbayad para sa next term e, naubos kay KOKAK. Ginulangan kasi kami ni Mike ng mach shop. 11k para sa "auto-ejector spring"!!! Gumawa pa nga kami ng model gamit ang cardboard ng tissue paper e para lang maintindihan nya yung dapat gawin. Buti na lang nandun si Jessie. Niligtas nya kami!! Miss ko na yung araw-araw naming pagpunta sa Carriedo at bumili ng electronic parts sa Alexan. Ano nga pala ulit ang amoy ng natutunaw na led? Ano nga pala ulit ang amoy ng nasusunog na resistor, o pumuputok na transistor at capacitor? Ang alam ko lang nakaka-adik yun hehehehe. Tanda ko pa dati araw-araw 10 kami umuuwi para lang matapos ang gawa. Para makapagtapos at makapagtrabaho. Yun pala nung nagtrabaho na ako, minsan mas malala pa. Kumusta na kaya si KOKAK? Kumpleto pa kaya ang IR sensors nya? Ang mamahaling HC11 di pa kaya nadedekwat? Mga H-bridge at stepper motor driver na power transistors pa ang gamit(P50 isa nun..16pcs). Ang Tormax, ang stepper motor? Gumagana pa ba? Sa 6 na buwan naming ginagawa si KOKAK, siguro 1 month lang talaga ako natuwa sa mga resulta. Nawawalan na kami ng pag-asa sa bawat araw na lumilipas. Mali ba design ko? Mali ba ang calculation ko ng force ng compressed spring? Kulang ata compute ko ng energy loss e. Nung last 1 month na lang, nagkakaroon na kami ng pag-asa. Tumatalon na si KOKAK. Kaya lang sa sobra lakas ng spring namin, sa bawat talon ay nasisira ang bakal na ginamit namin. Final defense namin. Madaming bumigay. Di nakaya ng mga pcb trace namin ang mga talon, di na kinaya ng spring lock ang stress na dulot ng spring. Di namin napansin, unti-unti na palang kinakain ng inner tube ang ngipin ng lock namin. Bakit ganun? Lahat nangyayari sa final defense. Parang gumuho ang lahat...wala na pag-asa. Sayang lang lahat ng pag-yayabang na naplano na namin. Sayang lang yung planong blow-out. Kausap namin si Sir Jess nun..lahat kami malungkot. Buti na lang nabigyan pa kami ng 1 week to fix everything. 2 consecutive jumps lang OK na. Pero sa loob-loob ko, parang imposible. Tinitingnan ko pa lang yung damage, wala na talaga e. Pero sa mga oras na yun, nangyari ang di ko inaasahan. Minsan lang mangyari sa 4 na taon ko CCS. Naging seryoso mga kasama ko. Gusto din nilang matapos na ang lahat. Ayaw na nilang makita sina pants, clem, boyB, Y1, Y2, Y3, moon man, boy suka, atbp. Ako din...ayaw ko nang maubusan ng damit kasi namamantsahan ng ferric. At sa loob ng 1 week, nangyari ang isang himala...Sa araw ng ultra final defense namin, sa 4th floor ng Gokongwie bldg nagtipon-tipon ang mga kabatch namin, mga professors, mga C2T3, mga CE, IT, ST. Lahat sila nakabantay sa corridor. Kala namin moral support, pero napag isip-isip ko nakaharang pala kami kaya di sila pwedeng dumaan hehehe. Ayun nagkumpulan sa amin. 1st jump ayos. Sa kalagitnaan ng compression at reverse phase ng robot, may nararamdaman ako na kaba. May naririnig ako na parati kong naririnig tuwing pumapalpak ang motor. Sa pagkakatancha ko, 1 ikot na lang bago ma release ang lock, pero humihina ang hatak ng motor, tumataas ang kain ng kuryente, kumakayod na ang bakal sa bakal. Mga bagay na di dapat mangyari. Tapos biglang tumalon. Ang huling talon ni KOKAK. Ang pinakaimportanteng talon. At sa loob loob ko, naisip ko na tapos na ang lahat. 4 na taon sa college ay matatapos na. Ang natatandaan ko lang sa paligid ko nung mga panahon na yun ay blur na lang. Itinaas ko ang kamao ko sa tuwa. Parang nawala ang bigat ng mundo sa mga balikat ko. Sa balikat namin lahat. Matutuloy na namin yung planong pakain. Ang mga underdogs ng CS-CE C2t4 ay nagtapos na. Maski di ganun ka komplikado thesis namin, on-time kami. Masarap alalahanin ang nakaraan. Ang mga pagsubok na akala mo di mo malalampasan pero matatapos mo din pala. Pagtatawanann mo lang lahat ng paghihirap na dinaanan mo. At yan ang isa sa mga magagandang bagay na natutunan ko sa buhay. Maski sa akala mo wala nang pag-asa, wag ka susuko. Kasi sa isang paraan lang masisigurado ang pagpalpak mo. Yon ay kapag sumuko ka. Kaya never give up never surrender. Fight until you die.

Image hosted by TinyPic.com
Left to Right: Cha2, Goks aka RB, Lawrence /w KOKAK

3 Comments:

Post a Comment

<< Home