/* */ bagyo

bagyo

Sunday, September 23, 2007

100 years



Nagtitingin tingin ako sa aking coin collection na namana ko pa sa tatay ko at napansin ko ang aking Piso. Isa siyang Silver peso nang nasa ilalim pa tayo ng mga Amerikano. Ginawa noong 1907, 100 years na siya ngayon.

Sunday, August 26, 2007

Chx Attack


Tingnan nyo ang bago kong aso, si Chx :D. Isa syang female na Shih Tzu. Isa sya sa 3 anak ng aso ni Grace. Si Chx at pangalawa sa 3 magkakapatid na na ipinanganak noong April 2007. Sa umpisa ang tahitahimik nya, parang nahihiya pa samin pero nung tumagal, aba ang sungit sungit. Minsan naman ang lambing lambing, ang hirap espelengin. Pero maski ganun sya ok lang, cute naman e hahaha at palaging nagiging wild pag dumadating ako haha.

Sunday, August 19, 2007

I'm back

Ang tagal na pala nung huling post ko. Lampas isang taon na hehehe. Ang dami dami nang nagyari. Madami nang masaya at magandang bagay. Try ko ulit mag-post dito regularly. Madami na akong pwedeng i-post ngayon e hehehe. Nandyan na si Pong, ang aking trusted na sasakyan. Nandyan na din si Chx, ang aking anak anakan hehehehe. Post din ako ng pictures sa Flickr. Stay tuned :)

Friday, April 07, 2006

Final 8

Hay, nasa Final 8 na ang mga contestants sa Bahay ni Kuya Ogin. Madami na din naguwian, at naiwan kami. Mahirap talaga ang naiiwan. ang lungkot...parang gusto mo na din umuwi. Kami medyo matagal pa dito. 2 lingo pa (SANA). 2 labahan pa, 2 afra pa. Gusto ko nang makita ang pinas..ang makati...pamilya...mga kaibigan ko...minamahal ko sa buhay. Gusto ko na makita ang happiest place dito sa bansang ito, ang departure ng airport. Gusto ko na ulit kantahin ang theme song ko pag lilipad.."All my bags are packed, I'm ready to go...co'z i'm leaving in a jet plane"................

Saturday, March 04, 2006

Survivor: Africa

Bakit ba parati na lang akong may “memorable moments” tuwing nasa ibang bansa ako? Sa Bratislava nawala kami sa gubat ng 2 oras. Totoong nawala, yung tipong puro puno na lang nakikita. Akala ko wala nang tatalo dun pero mali ako. Dito sa Sudan na stranded kami sa gitna ng disyerto. Lumubog sa buhangin ang mga gulong ng coaster namin. 2 oras kaming naghuhukay ng buhanin at nagtutulak ng coaster…sa gitna ng disyerto, tanghaling tapat pa nun. Halos lahat kami na sunburn sa init. Tig-isa lang kami ng dala ng tubig kaya pagod na pagod at uhaw na uhaw kaming lahat. Malas talaga. So mga 2pm nasa destinasyon na kami. Bukid sya…parang oasis kasi sa buong byahe namin puro sand lang nakikita. Yun pala katabi nya lang ang Nile river. May mga pumps dun kaya nadidiligan nila ang mga pananim. Una ay nangisda kami sa river…e wala kaming mahuli kaya lumpat kami ng lugar. Sa susunod na lugar tinamad na kami kaya imbes na tumunganga na lang kami naligo kami sa Nile. Sarap ng tubig, ang lamig. Sabi ng kasama naming Sudanese, holy daw ang ilog na yun. Kapag lumublob ka daw, mapapatawad ang mga kasalanan mo. Sana tumatalab din yun sa mga kristyano, hehehe.

Saturday, February 11, 2006

Africa

Second onsite ko na. This time nasa Africa naman ako, Khartoum Sudan +5 hours sa oras sa pinas. One week na! Big time kliyente namin dito. Kumpara sa ibang mga building nila dito sa Khartoum sa kanila na yung pinakamalaki at pinakamaganda. Pero sana pati yung sa labas maayos din. Nung unang araw namin dito pamatay talaga. Pagod na pagod na nga kami sa biyahe di pa maganda yung tinirahan namin. Nag brownout pa! Nagkataon na ako lang mag-isa sa baba ng bahay nung namatayan ng kuryente kaya hirap na hirap akong maglakad. Di ko makita yung daanan. Nung sumunod na araw naman, lumipat na kami ng hotel. Pangit din pero sabi nila maganda na daw yun. No choice :( 3 araw kami sa hotel nang lumipat na ulit kami ng flat. Masaya sa nilipatan namin... Ang batch5 sama sama sa isang floor maliban sa mga babae na kasama ang mga seniors na babae. Pero tuwing kainan ay kasama namin sila. Hindi din gaano kaganda yung lugar pero pwedeng tirahan at kaya nang tiisin. Nawawalan nga lang ng tubig tuwing maglalaba kami ng madami pero ok na yun kesa sa hotel kami na walang labahan. Nakakapagluto din kami dun. Sabi ko papayat ako dito sa Sudan pero mukhang hindi e. 4 ang cooks sa amin at masaya pa sila kasama kaya napapadami lahat kami ng kain hahahaha. Mahal na mahal kami ng flat na yun. Ayaw nga kami pakawalaan ni Raymond e. Dito sa Sudan, puro alikabo ang makikita mo. May mga sand storm pa. Pag umuuwi nga kami feel ko parang punong puno ng kulangot ang ilong ko e. Winter daw sila dito pero sobrang init. Nakakapaso at nakakasakit ng ulo, ang hirap din minsan huminga sa init. Kapag wala namang araw, ang lamig.

Sa trabaho naman, putik nakakatamad. 9-2:30 ang pasok nila dito. Sat-Thurs, friday lang ang weekend. 1:30 pa lang tinatamad na sila. Tapos may 30 min break pa sila ng 10:00. Ang bagal talaga. E yung isang consultant sa module ko, na delay. E ako na ang susunod sa kanya. Napilitan tuloy akong mag conduct ng training sa clients ng di oras. Napag english din ako ng madami, huhuhu. Pagkatapos ng training nag static din ako para sa module ko. Kausap ko client ng 3 araw na harapan. OK lang sana pero hindi man lang sila prepared. Hindi nila alam mga produkto nila. Ang bagal pa nila. Hayyyy, ako pa nag-iisip kung ano dapat ilagay nila. Napipilitan tuloy akong maging masungit sa kanila. Kailangang latiguhin para gumawa. Masama pa, babaliktarin ka pa! Yung ang nakaakinis e. Teka, nasabi ko na bang 1 week na kami dito? E mukang aabutin kami ng 3 buwan a.......sana hindi!!!

Sunday, January 29, 2006

RED

Putik, nadagdagan nanaman ang Criminal record ko :-w Dapat tandaan, Green means "GO", yellow means "Go faster", red means "Go with caution". Kapag walang pulis, ibig sabihin ng red ay "GO". Hayyyy, sige next time, tatandaan ko yan. Wala nanaman tuloy akong lisensya. Nakakadami na ang Makati Police sakin a......