/* */ bagyo: 01/2006 - 02/2006

bagyo

Sunday, January 29, 2006

RED

Putik, nadagdagan nanaman ang Criminal record ko :-w Dapat tandaan, Green means "GO", yellow means "Go faster", red means "Go with caution". Kapag walang pulis, ibig sabihin ng red ay "GO". Hayyyy, sige next time, tatandaan ko yan. Wala nanaman tuloy akong lisensya. Nakakadami na ang Makati Police sakin a......

Sunday, January 22, 2006

The Battle


Image hosting by TinyPic
"Para sa yo ang laban ito...."


For the 2nd time, nagkatapat ulit sina Manny "the Pacman" Pacquiao at si Erik "el terrible" Morales. Marami ang naniniwala na hindi kakayanin ni Manny si Erik pero mali sila. Mali mali mali!!! Isa to sa mga magagandang laban ni Manny. Mas maganda ang depensa nya kumpara sa mga nakaraan nyang laban. Maghanda ka na Antonio Barrera dahil ikaw na ang susunod. Padating na si Manny, ang "tinik ng Mexico".

Sunday, January 15, 2006

Videoke Fever

Sa loob ng isang lingo, apat na beses ako nag videoke....tama apat!!! Una ay sa IO KTV kasama mga pinsan ko. Di ako masyado makakanta dahil busog ako. Ang daming beer at pagkain, libre lahat!!! Sunod naman sa Red Box sa Greenbelt kasama ang RB team. Post christmas party ng team namin kasi madaming wala nung pasko. Madami dami din akong nakanta..."bakit ngayon ka lang...", "Akoy sayo at ikay akin lamangggggg...". Umaga na kami natapos. Ang nakakagulat, Martes pa lang. Pangatlo sa Red Box ulit kasama ang "CT6 and others". Hay dito talagang napakanta ako. Medyo matapang yung long Island nila kaya madami dami akong nakanta...hehehe. Umaga na ulit kami natapos. Alas dos na ako nakauwi...alas tres na nakatulog. Miyerkules pa lang nun. Ang pinakahuli ay sa Red Box ulit(namumukaan na nga ako nung isang nagdedeliver ng pagkain e) kasama ang AYAS. Dito talaga ako at home na at home. hehehe. Parepareho ang gusto naming kanta, walang hiya hiya. Kahit 2 beer lang ang drinks todo bigay ang mga kanta. Pagkatapos ng videoke ng 12mn, nag mcdo kami sa may greenbelt. Kita pa nga namin yung ka opis namin e. Kakagaling lang nila ng EK. Pagkatapos ng mcdo(1am), deretso kami sa Malate. Naghanap ng masasayawan at dun na nag-paumaga. Pagkatapos ng Malate nag kape kami sa Coffee Bean malapit sa office. Nakauwi na kami mga 5am na. Nung natulog kami sumisikat na ang araw. hehehe.

Kakaiba talaga itong linggong ito. Hindi talaga ako kumakanta. Palagi akong wala sa tono at mga mabababang kanta lang kinakaya ko. Sunod sunod lang talaga ang aya kaya napadami ako ng red box. Akala tuloy ng mga kasama ko sa opis singer ako. hahaha. Hindi din ako sumasayaw kaya ewan ko kung bakit pa kami nag Malate. Siguro dahil may Friday the 13th nung week na ito. O baka dahil masyadong boring ang mga susunod na linggong dadating. Ewan....pero ito lang masasabi ko...enjoy ako. Kahit wala akong boses ngayon...nyahahahaha.


Image hosting by TinyPic
Doon ay kaya kong ipunin lahat ng bituin
Doon ay kaya kong igapos ihip ng hangin
Doon ay kaya kong pagbawal buhos ng ulan
Sa panaginip lang kita mahahagkan t'wina
Doon lang