/* */ bagyo: Survivor: Africa

bagyo

Saturday, March 04, 2006

Survivor: Africa

Bakit ba parati na lang akong may “memorable moments” tuwing nasa ibang bansa ako? Sa Bratislava nawala kami sa gubat ng 2 oras. Totoong nawala, yung tipong puro puno na lang nakikita. Akala ko wala nang tatalo dun pero mali ako. Dito sa Sudan na stranded kami sa gitna ng disyerto. Lumubog sa buhangin ang mga gulong ng coaster namin. 2 oras kaming naghuhukay ng buhanin at nagtutulak ng coaster…sa gitna ng disyerto, tanghaling tapat pa nun. Halos lahat kami na sunburn sa init. Tig-isa lang kami ng dala ng tubig kaya pagod na pagod at uhaw na uhaw kaming lahat. Malas talaga. So mga 2pm nasa destinasyon na kami. Bukid sya…parang oasis kasi sa buong byahe namin puro sand lang nakikita. Yun pala katabi nya lang ang Nile river. May mga pumps dun kaya nadidiligan nila ang mga pananim. Una ay nangisda kami sa river…e wala kaming mahuli kaya lumpat kami ng lugar. Sa susunod na lugar tinamad na kami kaya imbes na tumunganga na lang kami naligo kami sa Nile. Sarap ng tubig, ang lamig. Sabi ng kasama naming Sudanese, holy daw ang ilog na yun. Kapag lumublob ka daw, mapapatawad ang mga kasalanan mo. Sana tumatalab din yun sa mga kristyano, hehehe.

3 Comments:

  • ayos sa adventure a.

    sana ako din makaligo minsan sa Nile river :D

    dapat pala don papuntahin mga government officials natin a.

    By Blogger blue_palito, at 10:09 PM  

  • Gusto mo pumunta din dito? hahahaha...Sa tingin ko hindi

    By Blogger ippo, at 10:14 PM  

  • ang cute mo pala!

    By Blogger allan, at 7:08 PM  

Post a Comment

<< Home