/* */ bagyo: Clap Activated Switch????

bagyo

Sunday, October 16, 2005

Clap Activated Switch????

Last week sinabihan ako ni Yin na gagawa daw sila ng isang “secret electronic device” (secret muna kung ano yun, baka pagalitan nila ako e). Syempre kelangan ng electronics nyan, at dyan magaling ang AYAS, hehehe. Na-excite ako tumulong….after 1 year and 6 months na PC ang kaharap ko, nagpoprogram sa Oracle, makakaamoy nanaman ako ng nasusunog na led, resistor o chips. Naalala ko tuloy yung mga college days namin. Design ng circuits (pakontian ng parts…para tipid dahil magkano lang ba allowance namin dati), fabrication ng PCB (paliitan ng design…para makatipid sa sobrang mahal na Alexan UV PCB), soldering (ingat na hindi masunog ang buhok gaya ni Khals) at ang testing, ang unang pagsaksak sa power supply(hindi mo alam kung sasabog ng malakas o uusok na lang bigla yung gawa mo). Ayun, paguwi ko nilabas ko na yung box ko ng mga “inipon” at “natira” naming parts after graduation. Alam ko medyo madami pa yun. Pagbukas ko ng box laking gulat ko dahil kulay orange na lahat ng nandun. Yun pala, nag suck ng moisture yung ferric chloride pellets tapos nag leak yung lalagyan….edi bumuhos yung solution sa mga parts ko. Halos lahat ng gamit nasira…kinalawang yung soldering iron ko, kinalawang yung mga paa ng transistors, capacitors, at resistors(mga power transistors pa naman karamihan dun...halos P50 each yun). Nasira ang mga custom built compression springs ni KOKAK(custom built....mahal!!!). Nak ng teteng talaga o. Ilang libong piso ng gamit nasira. Well mapipilitan si Yin mag Raon hehehe…Sakay ng LRT, baba ng Carriedo station. Ingat lang sa mandurukot. Good luck sa inyo, sa circuit nyo, at sa next activity.

p.s. Ang clap activated switch ay isa sa mga una naming project. Clap twice the light turn on, clap twice again the light turns off. Magic? No. Its the clap activated switch!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home