/* */ bagyo

bagyo

Tuesday, July 12, 2005

Nung Friday kumain kami sa Paparazzi. Mga pasta ang pagkain dito, at mahal. Yung order kong sea food spaghetti 300CR na. Buti na lang masarap kasi may sugpo, tahong at maliit isa pang parang lobster pero yun nga maliit lang. Tuwa nga ako nung may nilagay na plato na may sabay at lemon sa harap ko e… kala ko may soup na kasama. Yun pala hugasan kasi kakamayin ko dapat yung mga sugpo na kasama sa spaghetti. Hehehe, di kasi ako sanay kumain sa mga mamahaling restaurant e. May libre din silang tinapay na sinasawsay sa olive oil at keso. Masarap sya…kaya nga yung iba sa amin di naubos ang order kasi nabusog sa tinapay. Paglabas naming magpapapicture sana si Erl sa mga statues dun…pero sobra lamig talaga. 13 degrees na ata nung hapon papunta kami dun e pano pa kaya nung gabi. So imbes na magpapicture, takbuhan na lang kami sa sakayan ng tram. Uuwi sa hotel kung saan mainit….

Last Saturday naman, turn ng guys para mamalengke este mag grocery pala. Sa loob-loob ko madali lang yun. Sa pinas naman parati ako kasama sa pag-grocery e. Kukuha ka lang ng cart tapos dadaanan mo lahat ng aisle. Chicken lang yan. Nung nasa grocery na kami, naghiwa-hiwalay na kami ng landas. Deretso kami ng kasama ko sa meat section. Tingin sa listahan. Turo turo na lang kami. Kapag 1 kilo, 2 kilos, 3 kilos madali lang kasi pwede sa daliri…..nung may 1.5 kilos na karne kaming bibilhin, patay. Pano naming sasabihin ang kalahati? Sumenyas kami ng half….di naintindihan. Bahala na..swerte naming at nung nilagay nya yung karne sa pangtimbang, mga 1.4 kilos sya. Hihiwain nya sana para maging 1 kilo pero pinigilan naming….swerte talaga. Susunod sa list ay porkchop. Walang baboy na nakahiwa na na pang pork chop so pumili kami ng malaking karne tapos sinabi naming chop-chop habang sumesenyas ng chop….di nya na gets….sige, bahala na. Sa flat na lang hiwain. Susunod ay giniling na baboy….pano mo sasabihin na giniling…pano mo i-aact yung giling…..kekembot ba o ano? Buti na lang nakita naming yung may giling na…..hay salamat. Naka 20 mins ata kami dun. Nag-iisip kung pano sabihin yung dapat bilhin. Nung pumunta naman kami sa canned goods, kala ko mas madali. Aba mas madali nga kumpara sa pagbili ng meat…pero kumpara sa pinas kung saan isang daanan lang alam mo na kukunin mo, dito titingnan mo pa ang pictures. Medyo natagalan din kami. Di din naman kami makapagtanong dahil wala din sila alam sa english. Sa gulay naman medyo madali. Mahirap lang maghanap ng Basil leaves. Yung nakita naming ay halaman pa….may tangkay, ugat, lupa pang kasama. Naku, mukang di to pwede a….di na naming binili. Huli naming binili sa grocery ay paminta at toyo. 10mins ata kami nag analyze kung tama ba yung binibili naming. “Eto mukang durog na paminta. Baka ito?”…..”Hindi ata….iba picture e”….Nung napagkasunduan na naming paminta nga yun may isa pang humirit na “bakit ito, pareho ng pangalan pero medyo maputi”….Yun pala paminta with salt. Ahhhhhhhhhh. Sa dami ng analysis na ginawa naming tatlo 1 na kami nakabalik…. Gutom na gutom na kami. Syempre magluluto pa…. Mga 2-3pm na kami nakakain ng tanghalian…. Habang ang iba ay nagluluto, yung iba naglalaba, yung iba gumagawa ng sampayan. Since 9 na ang members ng Filipino community sa Bratislava, kulang na ang sampayan, dumadami ang lalabhan, dumadami ang pagkaing lulutuin. 9 na ng gabi kami umuwi. Pagod pero busog. Bukas babalik ulit para kunin ang mga sampay na di natuyo…..Naubos ang weekend naming sa kakaluto at kakalaba. Buti nung Sunday nakapag shopping kami. Bili ng mga sandals na pasalubong. Sana next week maluwag para makapamasyal naman kami……..

0 Comments:

Post a Comment

<< Home