/* */ bagyo: 12/2005 - 01/2006

bagyo

Sunday, December 18, 2005

Malapit na ang Pasko

Ilang araw na lang, Pasko na!!!! woohuu!!! Pero parang ngayon ko lang nararamdaman na tuloy pala ang pasko ngayong taon. Feel ko kasi cancelled e. Siguro dahil palagi akong nakatali sa opis o kaya pag wala ako sa opis ay buong araw akong natutulog sa bahay. Di ko na alam mga nangyayari sa labas. Hayayay :( Buti na lang dumaalaw samin ang cute cute kong inaanak na si Sam :D 6 na buwan ko ata syang di nakita e. Di na tuloy sya nag-kikiss sakin, bless lang. Bigla kong naalala na ninong pala ako ng 4 na bata....4 na malas na bata. Malas nila dahil kuripot este matipid ang ninong nila. hehehehe. Madami akong bibigyan ng regalo, di pa din ako tapos mamili :( Sana may magregalo sa akin this xmas :D gusto ko bagong video card!! Bumigay na kasi vid card ko e. May sentimental value sakin yun. Yung ang pinakamahal na pinagipunan ko nung college pa ako tsk tsk.

Panoorin nyo nga pala yung King Kong!!! Maganda sya, astig, full of action!!! Recommended sya lalo na sa Sudan team!!! Nyahahaha.