/* */ bagyo: 02/2006 - 03/2006

bagyo

Saturday, February 11, 2006

Africa

Second onsite ko na. This time nasa Africa naman ako, Khartoum Sudan +5 hours sa oras sa pinas. One week na! Big time kliyente namin dito. Kumpara sa ibang mga building nila dito sa Khartoum sa kanila na yung pinakamalaki at pinakamaganda. Pero sana pati yung sa labas maayos din. Nung unang araw namin dito pamatay talaga. Pagod na pagod na nga kami sa biyahe di pa maganda yung tinirahan namin. Nag brownout pa! Nagkataon na ako lang mag-isa sa baba ng bahay nung namatayan ng kuryente kaya hirap na hirap akong maglakad. Di ko makita yung daanan. Nung sumunod na araw naman, lumipat na kami ng hotel. Pangit din pero sabi nila maganda na daw yun. No choice :( 3 araw kami sa hotel nang lumipat na ulit kami ng flat. Masaya sa nilipatan namin... Ang batch5 sama sama sa isang floor maliban sa mga babae na kasama ang mga seniors na babae. Pero tuwing kainan ay kasama namin sila. Hindi din gaano kaganda yung lugar pero pwedeng tirahan at kaya nang tiisin. Nawawalan nga lang ng tubig tuwing maglalaba kami ng madami pero ok na yun kesa sa hotel kami na walang labahan. Nakakapagluto din kami dun. Sabi ko papayat ako dito sa Sudan pero mukhang hindi e. 4 ang cooks sa amin at masaya pa sila kasama kaya napapadami lahat kami ng kain hahahaha. Mahal na mahal kami ng flat na yun. Ayaw nga kami pakawalaan ni Raymond e. Dito sa Sudan, puro alikabo ang makikita mo. May mga sand storm pa. Pag umuuwi nga kami feel ko parang punong puno ng kulangot ang ilong ko e. Winter daw sila dito pero sobrang init. Nakakapaso at nakakasakit ng ulo, ang hirap din minsan huminga sa init. Kapag wala namang araw, ang lamig.

Sa trabaho naman, putik nakakatamad. 9-2:30 ang pasok nila dito. Sat-Thurs, friday lang ang weekend. 1:30 pa lang tinatamad na sila. Tapos may 30 min break pa sila ng 10:00. Ang bagal talaga. E yung isang consultant sa module ko, na delay. E ako na ang susunod sa kanya. Napilitan tuloy akong mag conduct ng training sa clients ng di oras. Napag english din ako ng madami, huhuhu. Pagkatapos ng training nag static din ako para sa module ko. Kausap ko client ng 3 araw na harapan. OK lang sana pero hindi man lang sila prepared. Hindi nila alam mga produkto nila. Ang bagal pa nila. Hayyyy, ako pa nag-iisip kung ano dapat ilagay nila. Napipilitan tuloy akong maging masungit sa kanila. Kailangang latiguhin para gumawa. Masama pa, babaliktarin ka pa! Yung ang nakaakinis e. Teka, nasabi ko na bang 1 week na kami dito? E mukang aabutin kami ng 3 buwan a.......sana hindi!!!