/* */ bagyo: Panaginip at paalala

bagyo

Sunday, May 22, 2005

Panaginip at paalala

Wow...company summer outing the best!!!! White Rock sa Subic ang lugar. Sobrang saya at ang sarap kalimutan maski sandali mga problema sa opisina. Mas pinasaya pa dahil sa magagaling ang mga kagrupo ko sa Yellow 'early bird' team. Just for fun kasi ang motto namin e. Hehehehehe. Galing namin lahat sa games, kakatuwa. Pagod na pagod nga kami pagating ng gabi e....kala ko di ako mag-eenjoy sa dinner party. Maling-mali ang akala ko. Sa pagkain pa lang solb-solb na e. Gabundok ang pagkain sa plato ko....2 times pa ako bumalik. 2 times lang kasi nag-aalok na si bossing uminom...mahirap tumanggi :)) At dun na nag-umpisa ang aking "panaginip". Madami akong nakita na di ko akalaing makikita ko. May mga nagawa ako na di ko akalaing gagawin ko. May mga nasabi ako na.....nakakatawang isipin. Yun lang. hehehe. Masama pa dyan, sa loob ng 30 minuto ay nawala lahat ng nakain ko...Bwiset, sayang yung lechon at baka. Minsan na nga lang yun e :(( Buti na lang beach yun....madaming lugar na "malalagyan". Salamat nga pala sa mga bumantay sakin habang "nananaginip" ako. Salamat Mike at Sarah..ewan ko lang kung masyado akong lasing pero 3 boses ang naririnig ko. Kung wala kayo dun at bigla kong naisipan na mag-swimming pabalik ng Manila, walang pipigil sa akin. Sa tingin ko nga mas malala pa ang pinaggagawa ko ngayong outing kumpara nung x'mas party namin. Sa mga kwento pa lang sakin kung anu-ano ginawa ko, feeling ko di nanaman ako tatantanan sa opis e. Patay nanaman ako nito. Eto ang masama, gabi/madaling araw pa lang yun. Nung umaga, ang aga kong nagising....naglakad-lakad kami sa beach. Picture-picture, sight seeing(sayang Mike wala ka, madami akong nakitang positive). Pagkatapos naming maglakad lakad, nag-rent ang admin ng jetski at banana boat!!!! Sayang lang at pinaasa lang ako sa jetski. Nung sina love at jessamine ang walang problema, nung ako na ayaw mag start...bwiset. Tapos yung mamang nagtuturo sa akin nilaglag pa ako. Buti na lang may banana boat pa. sobrang enjoy talaga. 2 times kami nahulog. Buti na lang walang pating. Eto nga pala isang paalala sa mga 1st timers ng banana boat, wag kakalimutan itali ang tali ng shorts nyo. Siguraduhing mahigpit ang pagkakatali.

Eto ang verdict(parang thesis a...uy 1 year na pala!!!) ko sa outing.......the Best...sana maulit ulit. Sana mas maraming makasama next year

Image hosted by TinyPic.com
Image hosted by TinyPic.com
Image hosted by TinyPic.com
Image hosted by TinyPic.com
Image hosted by TinyPic.com
Image hosted by TinyPic.com

5 Comments:

  • ano yun?....tungkol saan?

    By Blogger ippo, at 9:31 AM  

  • huy tatlo nga kami nagbantay sayo kasi si Les naki-join din po.

    By Blogger blue_palito, at 9:40 AM  

  • ahhh, kaya pala hahahaha.. Tnx Les :D

    By Blogger ippo, at 9:46 AM  

  • abba ang lufet ng awting nyo ah! kakainggit! nyahahaha la ba tequila contest para lalo kayu na.... eheheh grabe k pala rb, meron kang "occasional drunkeness" bwaheheheh

    By Blogger do.0dz, at 2:23 PM  

  • buti nga occasional lang e :)). Di na ako nakasali sa drinking contest kasi tumba na ako bago pa nagsimula yun

    By Blogger ippo, at 2:40 PM  

Post a Comment

<< Home