/* */ bagyo: 06/2005 - 07/2005

bagyo

Monday, June 27, 2005

Weekend adventure

Friday na....gimik time. Sa Irish pub kami nag dinner. Masarap pagkain nila dun. May stew, ribs, mushrooms. Busog na busog kami. Wala nang mesa sa labas kaya napilitan kami sa loob. Putik ang dilim, ang hirap magbasa ng menu. Buti na lang marunong si Ms. Lau dun. Tapos order ako ng beer. Ang laki ng beer nila dito, at kakaiba ang lasa. Lasang beer pero matamis. Mabango at matamis sa unang tikim pero pag tagal...beer na sya. Habang tinutunaw namin kinain namin, nood muna kami sa widescreen nila. Nung medyo gabi na, daming taong dumating. Lahat sila nasa bar, lahat sila mukang nakakatakot.... Pagkatapos kumain ay naglakad lakad kami sa center. Nagpapicture sa Napoleon tapos nag kape kami. Hay sarap ng buhay... Pa cake cake at kape na lang . Naku, mag 12 na pala....baka wala na kami masakyan.

Nung sabado naman, laundry day. Pmunta kami sa apartment para dun maglaba. Habang nag gogrocery sina Marbi ng kakainin namin, nauna naman ako sa apartment. Pinag aralan namin ni sir Badeng yung washing machine. Tagal namin bago namin napagana. Isa't kalahating oras pa bawat batch. Buti na lang habang naglalaba kami, pwede kami manood ng mga DVD. May nagdala kasi ng laptops e. Nagluto nga pala ang mga girls ng Binagoongan for lunch, spaghetti for dinner. Masarap...feel ko nasa pinas ulit ako, hehehe. Itong araw rin pala na ito at ang aking 1st time na mag-isa pumunta sa Polus. Usually kasi group kami kasi parepareho lang naman pupuntahan namin e. Kaya lang nakalimutan nilang bumili ng asukal at asin...ako tuloy nautusan. Pagdating ko sa grocery, hanap ko kaagad ang mga dapat kong bilhin. Medyo mahirap maghnap kasi si ko maintindihan ang mga nakasulat. Simpleng asin at asukal lang, di ko mahanap. Di din ako makatanong kasi di kami nagkakaintindihan. Hayyyyyy, inabot ako ng 30 mins kakahanap. Buti na lang wala masyadong kakaibang nangyari..hehehe

Sunday na...punta kami Devin castle ngayon. Paglabas namin ng hotel, medyo umaambon..malamig. Sumakay kami ng tram, layo ng nilakbay namin. Dumaan pa nga kami ng tunnel e. Tunnel na tipong dinadaanan ng tren...madilim, mahaba. Pagbaba namin, medyo nawala pa kami. Ginagawa kasi yung daan kaya may detour ang mga bus. Bumalik na lang kami sa parang terminal nila ng bus. Mula doon at derederetso na kami sa Devin castle. Nung nakita namin, akala ko isang malaking bato lang yun. Yun pala ruins na yun ng castle. Mataas ang akyatan, pero pag dating mo sa taas ay napakaganda ng view. Makikita mo na ang Austria mula doon. Di sya kagaya ng inaasahan kong castle na may dungeon...etc etc pero astig pa din. Well, ruins na nga lang e, ano pa aasahan mo? hehehe. Pagkatapos namin libutin ang castle, nagpunta kami sa Center para mag mcdo. Order ko ngayon Mc country. Lasang sibuyas. Muntik pa nila akong mapa-oo sa tanong na "Do you want ketsup, mustard?" with sloval accent. OO sana sagot ko pero naalala ko na may bayad pala yun. No na lang sagot ko. Tapos kumain, lakad lakad kami sa center. Kain ice cream. Order ko is strawberry ice cream. Nung natikman ko, laking gulat ko nang lasang strawbery talaga......strawberry na strawberry. Sa pinas pag may strawberry icecream ka malalasahan mo strawberry + gatas. Nung nakain ko, strawberry + more strawberry. Puro ata yun e. hehehe. Pero mura lang naman...9sk lang...mga 11.7 pesos. Pagkatapos ng center, nag polus naman kami...bili ng grocery tapos deretso sa apartment. Kain ng local na instant noodles, kinuha ang natuyong damit, luto ng kanin. Ilang oras lang kami dun at umuwi na kami. What a long day...mamamalantsa pa ko. Kakapagod. For dinner, pizza ang pagkain namin. Ang flavor..cheese. 4 kinds of cheese daw pero isa lang ang namukaan/nalasahan ko. Yung blue cheese. Sa una medyo nakakatakot kainin pero sayang e. Pagkatapos kumain, balik sa kwarto para tapusin ang plantsahin at maglaro ulit ng FFx. Mgapics nga pala sa susunod na lang..di pa uploaded e.

Monday, June 20, 2005

Day 1 "PAY 1400 NOW"

update...may mga pictures na pala sa Flickr ko...tingnan nyo na lang.

Nagumpisa araw ko ng 3:30am dahil may araw na, nagising ako. Parang 8am na sa pinas...taas na ng sikat ng araw. Bumalik ulit ako sa aking pagtulog. Buti na lang nakahingi si Marbi ng eye shade sa Sing airlines. Kung hindi baka di na ako makatulog ulit. Bumangon ako ng 7am, naligo, nagbihis, bumaba para kumain ng breakfast. Di talaga ako nag aagahan sa pinas e pero napilitan akong mag agahan kasi sayang. Libre sa hotel e. Daming choices, may cold cuts, cereals, iba't ibang luto ng itlog, sausages...dami ko nakain. Pagkatapos kumain, naglakad na kami papunta sakayan ng bus. Ganda ng mood ko e...malamig ang hangin, busog, excited makita ang opisina. Edi sumakay na kami sa bus kaya lang di ko nakita yung pasukan ng ticket..hinanap hanap ko. E biglang gumalaw yung bus, napilitan akong umupo. Inabot ko kay roy yung ticket ko, sabi ko pa punch. Tapos may lumapit sa akin na isang malaking tao na mataba at nakasando. Kinausap ako, e di ko maintindihan. Sabi ko "No slovak...No slovak". Kinakabahan na ako, laki nya e...ang problema pala hinuhuli nya ako dahil di ko nilagay yung ticket ko.... Tapos sinabi nya sa akin "PAY 1400 NOW"... Tanong ko "Now?", sabi nya "NOW". Tanong ko ulit "I will pay now?", sabi ulit nya "PAY NOW". OK, dudukot na ako ng pera. Bago ako makabayad tumigil yung bus sa stop tapos pinababa nya ako. Inisip ko, putik, baka dalhin ako sa presinto ah...buti naman hindi. Pinababa ako kasi lilipat sila ng bus. Naka boundery na ata sila para sa bus na yun. Binigyan ako ng ticket, may pic yun sa Flickr ko...huhuhu. Pagdating ko sa office, pinakilala naman ako kay Imro, medyo nadagdagan ang stress ko pero konte lang...mabait naman pala sya e...medyo nakakaintimidate. Nag-ayos ako ng pc, connections, files tapos 6pm na...Dumaan kami sa isang apartment lampas ng Polus. nung pumasok kami sa building, nakakatakot. Sabi nga nila, parang dungeon. Pagpasok namin sa flat, wow ang ganda....deretso sa sala, ang ganda din. Hinanap ang trono, nung nakita..patay. Nawawala yung isang dingding kaya kita mo yung pipes....hay sayang. Pwede sana kami dun magluto. Ayaw nila dun so aalis na kami. Sina Marbi at Roy, sa dungeon stairs dumaan. Kami nina sir Badeng at ms Lau, sa elevator. Yung elevator, 250kg lang daw ang kaya..so compute pa kami..aba pwede. Pagpasok namin, sinara yung pinto tapos pinindot ang ground floor. No response, pinindot ulit ayun nagulat kaming 3 at biglang gumalaw. Tawana kami sa loob. Yun na talaga...di na kami babalik dun. hehehe. Tapos nun, sa Polus kami kumain ng Mcdo. Medyo iba lasa pero Mcdo pa din.... Pagkatapos nun uwian na. Nadaanan ulit namin yung stop kung saan ako pinababa...may kirot sa puso ko nung nakita namin yun. Buti na lang bibili na kami bukas ng 3 month ticket. Wala na akong problema. Hehehe.

Sunday, June 19, 2005

Day 0.5 Mexican dinner

Ok...dumating na kami sa Hotel Bratislava. Nung mag checheckin na kami, nakita namin si Krishna at Paresh. Mag checheckout na daw sila at malapit na flight nila. Tapos umakyat kami...8th floor ang room namin. Ang ganda ng rooms, pati view maganda din...well kumapara dun sa kabilang side. Pagkatapos namin tingnan yung rooms, nagpapalit kami ng pero tapos bumili ng grocery at utensils. Kasama namin sina Roy, Sir Badeng at Ms Lau. Naglakad lakad kami sa plaza, nagpapicture tapos kumain ng dinner sa isang Mexican restaurant. Nasa flickr ko yung picture ng kinain namin. Tagal naming nag-intay....mahigit isang oras kaming nagkukwentuhan habang nag-iintay ng pagkain. Nung dumating ang pagkain, galit-galit muna lahat...gutom e walang naguusap. Sarap ng food. May beef, lamb, chicken, patatas, pork, kanin, atbp. Pagkatapos nun, umuw na kami. Pagdating sa room....bagsak.

Bratislava, here I come!!!

House to NAIA

Flight ko is 6pm pero 1:30 pa lang, umalis na kami ng bahay nina kyle, lawrence at aga. Dapat maaga kasi di pa ako marunong sa airport e...1st time umalis ng bansa e. Medyo nawala pa nga kami papunta airport pero di ako kinabahan...may tiwala ako kay kyle. hehehe. Pagdating sa airport, piture picture na. Konteng iyakan, di pala iyak, hagulgol e umalis na sila. Bawal kasi magtagal dun e. After check-in nag canteen muna kami ni Marbi. Tapos pumasok na kami. Wala naman masyado problema maliban sa 200 pesos na meryenda namin. Ayan na, boarding na ang Singapore Airlines..bye Manila.

Manila to Singapore

3 hours ang flight. Pero di ako na bore kasi wow ang ganda ng stewardess namin. Matangkad at maganda pero di ko maintindihan ang sinasabi nya. Di ko makuha ang accent nya e. Sakit sa leeg ng upuan dun pero astig kasi may movie na pwede panoodin. Pinanood ko Million Dollar Baby. Masarap din yung pagkain nila. Bad trip di ko natapos yung movie, dami kasi announcement ng piloto e. Sinungitan pa ako ng magandang stewardess. Kinuha kaagad yung earphones ko di pa ako tapos manood.

Singapore Changi airport

Airport na ito o mall? Ang ganda!!!! May mini garden sila dun, puro orchids at isda. Papicture kami dun. Habang naglalakad-lakad kami sa airport, nagpipigil kami dahil sa sobra dami ng pwedeng bilhin. May mega sale nga sila e. Yung I-pod mini nila sale sa June24, kulay silver 50% off. Sayang talaga at di kami aabot huhuhu.

Singapore to Frankfurt

Ito ang pinakamatagal na flight namin...13 hours!!!! Mahirap pa, window seat kami kaya pag naiihi ka habang tulog ang katabi mo, talagang mahihiya ka o gigisingin mo sya. E malas at di marunong mag ingles katabi ko. Akala ko mag sasign language lang. Buti na lang isang tapik ko lang sa kanya alam na nya gagawin nya..hehehe. Kakatamad talaga...nakatulog na ako ng matagal, 2 movie, 2 episode ng CSI, nakalaro pa nga ako ng Mario e. Di ko na maramdaman yung mga paa at pwet ko.

Frankfurt

Laki ng airport nila. Astig Bumaba kami sa terminal 2, buti na lang at terminal 2 din yung next gate namin. Hinanap kaagad namin ang gate namin kasi baka mawala kami at maiwan. Habang naglalakad kami doon ko lang na feel ko na wala na talaga ako sa pinas. Nung nasa singapore ako parang pinas lang e...madaming asian. E sa frankfurt parang kami na lang ang asian e. Feel ko na ang nararamdaman ng mga banyaga sa pinas. Nakakailang. Kumpara sa airport sa Singapore, di ako nagandahan sa Frankfurt airport. Malaki sya, sobra. May MRT sila para makapunta ka sa ibang terminal tapos pag sasakay ka ng eroplano sasakay ka muna ng bus. Ang hangin nila malamig..parang baguio.

Frankfurt to Prague

1 hour lang ang flight. Kakameryenda lang namin landing na. Natulog lang ako dito kaya walang kwento.

Prague

3 hours pa iintayin namin para sa next flight. 3 oras din kaming nakaupo sa waiting area. Kakaiba dito. Talagang kaming 2 lang ang kayumanggi. Walang lalakran kaya tulog din ako. Malas pa at matagal na nga intay namin, na delay pa yung flight. Hay buhay.

Prague to Bratislava

Ito ang pinaka exciting na airplane ride namin. Di ka lang nakasakay ng airplane, parang nakasakay ka na din ng roller coaster. Maliit lang yung plane...propeller nga lang sya e. Kaya di sobra higpit ng kapit ko sa arm rest.

Bratislava

Sa wakas, nandito na kami. Akala ko makakapahinga na kami pero nagkaproblema kami sa passport. Halos 20 min nilang tiningnan yung passport namin. Kinakabahan na nga ako e. Di nila sinabi kung ano problema. Nung tapos na nilang tingnan saka namin nalaman na nawawala luggage namin...putik naman!!!! Papadala na lang daw nila sa hotel namin. Galing sa airport, hinatid kami ni Martin papunta sa Hotel.

Dun nagtatapos ang aming adventure. 1st time out of the country. 4 airport, 13 hours na lumilipad, more than 24 hours travel. Marami pang nangyari after pero bukas ko na lang kukwento. May trabaho na e.

Saturday, June 18, 2005

Leaving on a jet plane (Part 2)

Pagkatapos ng ilang linggong paghihintay aalis na ako mamaya papuntang Bratislava, Slovakia. Kagabi pa ako kinakabahan, iniisip kung ano pa ang kulang ko. Iniisip ko kung ano mangyayari sa amin sa trip na ito....sana Po di kami mawala, 1st time kong sumakay ng malaking eroplano, 1st time umalis ng bansa. Feel ko nga parang nanalo ako ng world tour sa raffle e. Madami kaming airport na dadaanan para lumipat ng eroplano. Una Singapore, tapos Frankfurt, Prague, tapos last ay Bratislava. Balita ko sale sa Singapore...hehehehehehe. Kung sakaling mawala man ako, sana sa Singapore.

Lima kaming pupunta sa Brat. May nauna nang 2, susunod kaming 2 ng kasama ko tapos may susunod na isa. Ang origial plan ay ako lang mag-isa, buti na lang na move yung isa...at least may kasama akong mawala hehehehe.

Dami kong mamimiss dito sa pinas. Bulgogi, Fowl, Jollibee. Dami ko din mamimiss na kainan. Birthday ng kapatid ko....7th bday nya kaya sa MCDO sya magpaparty. Sayang. Birthday din ng cute kong inaanak. Tagal-tagal ko nang di sya nakikita e. huhuhu. Mamimiss ko din yung mga umaaway sa akin sa opis. Maski bilang sa mga daliri ko ang mga araw na di lumalampas na hindi ako inaaway, mamimiss ko pa din ikaw. HAHAHAHAHA...wag ka tatawag ha...mahal ang babayaran ko sa Globe. Pero lahat ng lungkot ko ay mapapalitan ng saya, excitement at mga bagong kaalaman. Sigurado madami ako matututunan tungkol sa Human Anatomy. Summer ata dun e :D. Sana makapasyal kami sa mga castles. Gusto ko din umakyat ng bundok. Sabi nila may snow daw sa taas ng mga bundok e. Sige, ito na lang muna. Next post ko siguro at ang adventures namin sa travel. Sigurado masaya yun.

Monday, June 13, 2005

pang-asar ba to?!?

wengweng panot?!?!?!?!

Thursday, June 09, 2005

Filipino Adobo

Sana makatulong ito Gerard....Filipino version daw ito, hindi "American Adobo".

-------------------------------------
CHICKEN ADOBO (FILIPINO VERSION)

1 whole chicken (cut into eighths)
1 whole garlic (chopped)
olive oil or vegetable/corn oil
1 tsp ground black pepper
4 whole black pepper cloves
3 dried bay leaves
1 cup soy sauce
1 cup vinegar
**7up/sprite
**1 whole lemon (cut into 4)

Remember to wash your chicken very well. We recommend using the lemon (in ingredients) to scrub all over the chicken parts and rub some salt into it as well.

Heat oil and add all of the garlic, and cook until garlic is lightly browned. Add chicken and saute until the chicken is beginning to tenderize.

Add ground black pepper, whole black pepper cloves, soy sauce, and vinegar, and let simmer for 25-35 mins or until chicken is done.

Make sure to add more vinegar or soy sauce until it suits your taste (should be a bit tangy). When chicken is tender, add some 7 up if you want a sweeter taste, and let simmer for 5 more mins.

Serve over rice.
-------------------------------------
http://www.cooks.com/rec/doc/0,1639,143177-254193,00.html

Tuesday, June 07, 2005

Feeling the...Need for Speed Underground

Ano nanaman tong nangyayari sa akin.....nahihilig nanaman ako sa Need for speed underground. Parang nangyayari ulit nang nangyari nung nag thesis pa kami. Halos lahat ng oras nasa need for speed. Pagdating sa umaga, need for speed kasi excuse namin masyado maaga pa para gumawa ng thesis...baka mabitin lang kami. Tanghali, nakakapagod maglakad from Jollibee to thesis lab. Parang 3/4 ang layo ng Vito Cruz at Quirino station. Kailangan magpahinga para malinaw kami mag-isip gumawa ng thesis. Edi laro muna. Ayan, gagawa na kami...yey gumagalaw na ang gulong ni KOKAK! Time to celebrate...laro ulit. Meryenda time na. Punta ng Aristo para kumain ng Mojo patatas. Sarap! Babalik na kami sa lab...long route...take SJ walk para maraming makikitang tao. Baka matyempuhan pa namin si Big Time. Pagdating sa lab, gawa ulit ng thesis. E since maliit lang yung pwesto namin, 2 lang talaga nakakagawa. Ako at si Cha2. Edi yung iba naglalaro nanaman. Ganun yun hanggang 8pm. Araw araw ganun ang nangyayari. Huhuhu...tapos na ang term, konte lang nagawa namin....pero at least natapos ko yung laro. Hehehe. Pero may maganda din namang nadulot yung laro e. Nagamit ko ang alam ko sa electronics. Gumawa pa talaga ako ng PS-to-Parallel controller para mas maganda/madali maglaro. Mahirap kasi sa keyboard e a at dahil madaling mahuli na naglalaro kami pag keyboard ang gamit. Kapag controller, medyo tago. Ayan ha inapply ko yung mga natutunan ko sa eskwelahan sa mga problema sa buhay. Di pa ba sapat yan? Hahahaha. Sana may magpahiram sakin ng NFSU 2....

Sunday, June 05, 2005

ZZZZZZzzzzzzz

Pagod na pagod ako ngayon a....kaya eto na lang ang mga key words/phrases para magka idea kayo sa mga nangyari nitong nakalipas na 2 araw...ayaw kong magkwento

..dentista..sexy..maganda..enjoy..pasta..mapait..AYAS..backout..
4..timezone..Saisaki..ice cream..last full show..madagascar..chat..
show..2 AM..7 AM..YM..nice surprise..8 AM..Dasmarinas Cavite..fiesta..fighting tenants..compromise..lots of food..3 PM..Glorieta..globe..line..new phone..new number..home..bed..rest..........ZZZZZZzzzzzzzzzzz

Friday, June 03, 2005

medyo kakaibang araw

Wow pre, hanep tong araw na to. Kakaiba tsong. Umagang umaga pa lang, kakagising ko pa lang, alam ko na kakaiba tong araw na to. Yung ibang nangyari di ko pwede ikwento kasi marami dyan ang mahihina ang mga tiyan. Plano ko medyo late sana magising para di kaagad mag expire "film" ko. Edi ayun nga, late na ako umalis. Tpos may nag text sa akin, bilisan ko daw pumasok. Buti na lang at walang traffic so 10 mins lang nasa opis na ako. Parang ayaw magpasakay ng driver nung bus e o sira lang tiyan nya kaya parang lumilipad sa bilis yung bus sa kahabaan ng buendia. Pagdating sa opisina, deretso ng Mcdo...hmmm sarap ng longganisa meal pero di pa namin kinain. Nagpa physical exam muna kami. Pina fill-up sa amin yung form tpos kinunan kami ng dugo. Yung kasama ko takot na takot kasi 10 years ago pa daw yung last time na nagpakuha sya ng dugo. Iniintay ko nga mahimatay para makunan ko ng picture e. Hahahahaha. Joke lang. Pero in fairness, matapang sya. Di man lang nya pinikit mga mata nya. Tapos nya, ako na ang kinunan. Malalaman kaya kung dugong bughaw nga ako? Pagkatapos kunan ng dugo, kinuha naman ang height at weight. Putik 5'10" pala ako tapos 150lbs lang ako!!!!!!!! E nung pumasok ako sa SA, halos 170 ako e. Tapos kinuha ang akong blood pressure, pulse, nag eye test(bagsak ako dito...). Tapos pumunta na ako kay Doc. Ayaw kong kwento to. Pero 2 salita lang ang di ko makakalimutan....."Ibaba" at "ibuka".................. Tapos may x-ray tapos tapos na. Makakain ko na ang special longganisa meal ko. Yehey!!! Kanina pa ako gutom e...tinikman ko din yung iced milo para malaman ko kung bakit gusto ni sarah nun. Well, masarap naman...lasang Milo...na malamig.

Maliban dun sa mga nangyari na yun, pareho lang ng ibang araw nangyari nung hapon. Kwentuhan, lokohan, trabaho. The usual. Prinactice ko din yung aking "talent". Sa bawat araw na dumaan parang pagaling ng pagaling ako e. Madami nang di nakakahalata. Well, yung lang makukwento ko sa ngayon. Sa susunod ulit!!!

Thursday, June 02, 2005

iba't-ibang iba

--Birthday--
Kanina nga pala birthday ni Grace. Isa sa mga modulemates ko. Sarap ng pagkain. Kakaiba! Nakakain ko lang yun kapag end of month na at lahat ng celebrants for that month ay nagpapakain. Dami ko nga nakain e. Ready na ako para bukas, hindi na ako mahihirapan :D.

--AYAS--
Sa sabado nga pala reunion ng AYASLACTOSE aka AYAS. Medyo matagal na din nung huli kami nagkita-kita lahat. Ngayon, isa na lang ang kulang. Bal kelan ka ba babalik? Ilang siglo na ang nakalipas nang huli ka namin nakita a.


Image hosted by TinyPic.com
left to right, top to bottom:
Lawrence, Bal, Cha2, Goks, Yin, Don
Yung ibang AYAS, wala pang portrait



--Flash--
Bakit yung flash drive ko mabagal? Diba dapat mabilis kasi "Flash" nga sya? Joke lang LL, alam mo namang nagloloko lang ako. Baka magalit ka nanaman :D. Naiintindihan ko naman kung bakit mabagal e, wag ka mag-alala.

Pero sa totoo lang, excited na akong gamitin to! Ganito naman talaga ako e, excited parati pag may bagong gadget. Di na ako kailangan pang humiram ng flash sa iba. Ang di lang maganda dito, di sya auto detect sa Win98(teka, sino pa ba naka Win98?). Kailangan pa ng driver para gumana. Pero OK lang yun. Lalagay ko na lang sa loob ng flash yung driver para kahit saan ko dalhin yung flash, may kasamang driver! Walang problema!(sino nga pala nagsabi sakin nito dati HAHAHAHA....mga computer engineers pa naman tsk)


--Notebook--
Salamat nga pala Sarah sa bigay mong NBA Mcdo notebook. Ngayon, pag humingi ng pasalubong kapatid ko, may ibibigay na ako...galing Mcdo pa!!! Pero napagisip-isip ko...sayang yung lalagyan ng cellphone na gusto mo piliin kesa sa notebook. Handy nga pala yun. Sa laki ng extra space, pwede ko ding ilagay yung pera ko, panyo, ID, at mga susi sabay-sabay. tsk tsk....sa susunod na lang....

--Friendster--
Mukha na ba akong mama sa friendster? Bakit may humihingi sa akin ng trabaho dun????? Ngayon lang nangyari to a...weird....

Wednesday, June 01, 2005

Something's missing..hmmmnnnn

Nothing new, nothing exciting for the past few days. I was in panic mode for at least an hour, called/YM everyone I know, gave instructions, moves schedules. I thought I was leaving this saturday. I still don't have my credit card, no load yet, and not yet finished with my shopping. I was excited and panicking at the same time. After an hour, I received an email that our schedule was moved. Well, more time to pack but I was also disappointed. Hayyyyyyyyy...Oh I mean Hmmmmmmmnnnn(oops, english nga pala tong post na to). Other than that...nothing. I'm not bored but nothing that exciting good enough to post. I just feel that there's something missing or something thats to be missed...hell, I'm writing in english..this rarely happen. Something's really missing, I just know it. Hope I find you soon

ps
one of the things that made me a little happy today...
http://www.missuniverse.com/index2.html